Add parallel Print Page Options

Nguni't mangatuwa (A)ang matuwid; mangagalak sila sa harap ng Dios:
Oo, mangagalak sila ng kasayahan.
Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan:
(B)Ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang;
(C)Ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya.
(D)Ama ng mga ulila, at hukom ng mga babaing bao,
Ang Dios sa kaniyang banal na tahanan.

Read full chapter